Saturday , April 12 2025
Erap Estrada Manila
Erap Estrada Manila

“Womb to tomb” program, magpapatuloy sa 3rd & final term ni Mayor Estrada

KUNG mayroon mang centerpiece program na gustong ipagpatuloy ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang huli at ikatlong termino, ito ang “womb to tomb” projects na pinakikinabangan ng daan-daang libong residente ng lungsod.

Ayon kay Estrada, dinatnan niya ang lungsod ng Maynila na nasa miserableng kon­disyon na ang mga ospital ay walang maayos na pasilidad, walang gamot, walang doktor at walang pagmamasalakit sa mga pasyenteng mahihirap.

“Dahil nga bangkarote ang city government na wala nang pondo, may pagkakautang pa na P8 bilyon kaya kailangan kong ayusin ang lahat para masimulan ang programang womb to tomb,” sabi ni Mayor Erap.

Ang “womb to tomb” program ang tumutukoy sa serbisyo ni Erap mula sa pagkasilang ng bata hanggang sumapit ang pagpanaw ng isang nilalang.

“Libre lahat dito sa Maynila, walang bina­baya­ran ang nga nanganganak, kung magkasakit sila, may maayos na pasilidad ang ospital at libre ang gamot. Kapag nag-aaral na ang bata, mayroon silang educational assistance, mayroon din mga livelihood and capital assistance para sa mga nanay at tatay na gustong magsimula ng maliit na negosyo,” sabi ni Mayor Estrada.

Maging ang senior citizens ay sentro rin ng pagseserbisyo ng Estrada administration. Karaniwan din ang pagkakaloob ni Mayor Erao ng P100,000 sa mga senior na umabot sa kanilang 100th bday.

Sa buong ban­sa, ang lokal na pa­mahalaan la­mang ng Maynila ang mayroong ma­higit 70 dialysis machines na li­breng nagagamit ng mga pasyente sa Gat Andress Bonifacio Memorial Hospital sa Tondo na nabigyan pa ng recognition ng United Nations.

“Normally, ka­pag nagpa-dialy­sis ka, gagastos ka pa ng P3,500 kada sesyon. Kung tatlo hang­gang apat na beses ang sesyon sa isang buwan, mabigat ang gastos para sa pangkaniwang mamamayan pero rito sa Maynila, libre lahat mula sa dialysis machines hanggang sa kanilang mga gamot,” sabi ng alkalde.

Sa mga pagkakataong hindi na kinakaya ng mga pasyente ang kanilang mga karamdamam, dumarating ang mga hindi inaasahang pagpanaw na katotohanan naman sa lahat ng nilalang.

“Pati libing, libre rito sa Maynila, walang kai­langang bayaran ang pamilya kapag kinailangan nila ang tulong ng lokal na pamahalaan. Sagot ng lungsod dahil may modernong columbarium, na ipinatayo natin,” ayon sa alkalde.

Aabot sa 4,088 kapasidad ng columbarium para sa funeral urns na binabanggit ni Mayor Estrada bukod pa ang mahigit 1,200 slots para naman sa mga ataul na ipinagawa ng alkalde noon pang 2016.

Regular din ang serbisyo caravan ni Estrada na tumutulong sa daan-daang libong mamamayan sa pamamagitan ng medical/dental services, legal assistance at livelihood assistance.

Sinabi ni Mayor Estrada, ang womb to tomb program ang gusto niyang magpatuloy at mapondohan nang mas malaki sa pagbabalik niya sa ikatlong termino.

Si Estrada ay nanatiling popular sa mga taga-Maynila na batay sa pinakahuling survey, siya pa rin ang gustong maging alkalde nang mahigit 70% ng mga botante.

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *