Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Tserman itinumba ng tandem sa Tondo (Estudyante tinamaan ng bala)

DEAD on arrival sa paga­mutan ang isang kapitan ng barangay habang sugatan ang 16-anyos na  estudyante na tinamaan ng ligaw na bala maka­raang pagbabarilin ng riding-in-tandem gun­man sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang kapitan ng Barangay 199 na si Marcelino Ortega, 41 anyos, residente sa Pilar St., Manuguit, Tondo bunsod ng tama ng bala mula sa dalawang hindi pa tukoy na gunman na lulan ng isang motor­siklo.

Kasalukuyang gina­ga­mot sa nasabing paga­mutan ang biktima ng ligaw na bala na sinabing isang Andrea Nicole, 16-anyos estudyante, at residente sa Punturin, Valenzuela City.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong 2:58 pm sa panulukan ng Her­mosa at Pilar streets sa tapat mismo ng Barangay Hall 199 Zone 18 kung saan nanunungkulan ang napaslang na punong­bayan.

Kasalukuyang nagsa­sa­gawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa naturang lugar na ikinasawi ng opisyal ng barangay.

Napag-alaman, ang nasasakupan ng nasabing barangay ay talamak pa rin sa bentahan ng ilegal na droga.

Inaalam ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril at tinitingnan rin umano ang posi­bilidad kung may kina­laman ang pamamaril sa kalakaran ng droga sa naturang barangay.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …