Monday , December 23 2024

Endoso ni Digong kay Jinggoy aprub sa Palasyo

IPINAGTANGGOL ng Malacañang ang endoso ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te kay dating Senador Jinggoy Estrada sa 2019 polls kahit akusado sa kasong pandarambong.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nananatiling ino­sente pa rin ang dating Senador sa kasong plunder dahil hindi pa naman siya hinahatulan ng Sandiganbayan, batay sa Konstitusyon.

“We have to respect the Constitution. We have to bow to the majesty of what the Constitution says. The presumption of innocence prevails regardless of who you are, whether you are an ally or a friend,” aniya.

Paulit-ulit na sinasabi ni Pangulong Duterte na kailanman ay hindi niya kokonsintihin maski bahid pa lang korupsiyon.

Ang kasong plunder ang pinakamataas na katiwalian sa pamahalaan at may parusang habam­buhay na pagkabilanggo.

Ipinahiwatig ni Panelo na ‘mahina’ ang ebidensya laban kay Estrada dahil pinayagan siyang makapaglagak ng piyansa ng Sandigan­bayan.

“Number one, Senator Estrada or former Senator Estrada is charged with corruption. And the Constitution says, unless you are convicted by final judgment, you are presumed to be innocent. So the presumption is Estrada is innocent,” ani Panelo.

“Number two, he’s been granted bail. And the reason for the court’s grant of provisional liberty is anchored on the fact that the evidence of guilt is not strong. So you cannot begrudge the President for endorsing a man who is presumed to be innocent under the law; otherwise you are prejudging him,” dagdag niya.

Giit ni Panelo, may pruweba na walang epekto sa popularidad ni Pangulong Duterte ang mga ginagawa niyang hindi popular na desisyon.

“He has done so many unpopular deci­sions, and yet his ratings remain very popular. This man couldn’t care less. For as long as he re­peatedly says, I am mandated by the Con­stitution to serve and to protect, any action that I make will be on that basis alone,” sabi ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *