Monday , November 25 2024

Ricardo, masayang maging brand ambassador ng SVTOP International

HAPPY si Ricardo Cepeda sa pagiging bahagi niya ng SPVTOP Int’l Inc., na nagkaroon ng launching last January 19. Siya ang brand ambassador at consultant ng naturang kompanya na distributor ng itinuturing na genius products para magbigay ng pagkakataon sa lahat na magkaroon ng financial success.

Present sa naturang event sina Brick Agcopra, SPVTOP Int’l President and General Manager; Finance Officer Leila Agcopra, Operations Manager; Archemedes Miclat at ang iba pang endorsers tulad ng aktres na si Marina Benipayo.

Partikular sa product na ito ang G-Power Patch na kayang pababain nang more or less 30% ang bill sa koryente.

Gaano na siya katagal endorser ng kompanyang ito? ”A little more than a year, last year ako kinausap to join the company, when they expanded. Nag-start ito as a loading company, ‘yung pre-paid load. So nang na-testing namin ang products, ang kagandahan nito, they work almost immediately. So, may nakikitang tangible results talaga,” sambit ni Ricardo.

Part owner ba siya ng company? “No, but I also do sales. Iyong system is like, direct selling, except the market place is you register for free and then you promote the site and the products. People who buys the products can pay COD, ide-deliver sa kanila. Now dahil galing sa recommendation mo – may code, ipadadala na lang sa iyo ‘yung profit. Pero wala kang puhunan, kumbaga ay nakitsismis ka lang, tsismis na may bayad.”

Puwede na ba siyang mag-retire sa showbiz dahil sa SPVTOP International? ”Well, iyong nangyayari kasi sa showbiz, I enjoy it, it’s fun, but it’s not my bread and butter. Kumbaga, marami na akong bread and butter… kumbaga ito ‘yun, it provides us the opportunity to be relaxed. Hindi kailangan tanggap nang tanggap ng every project left and right, kahit minsan ay pangit naman iyong project. So having your own business allows you to make better choices,” wika ni Ricardo na sa ngayon ay napapanood sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko.

Ang ilan pang produkto o services ng SPVTOP International ay G-Webphone App, G-Bio Energy, G-Minds or Genius Minds, G-Web Mall, at marami pang iba. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang kanilang official website SVPTOP.COM at bumili ng products sa kanilang official retail site SPVTOPMARKET.COM

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *