Friday , October 18 2024

Nora Aunor is Nora Aunor, walang makapapantay — Ibyang

SOBRANG natuwa si Sylvia Sanchez nang ialoak sa kanya ang Jesusa kaya tinanggap niya ito kaagad na dapat sana ay para kay Nora Aunor.

Ang Jesusa ay mula sa OEPM o Oeuvre Events and Production Management na idinirehe naman ni Ronald Carballo.

Ayon kay Sylvia, “naging honest sila sa akin na second choice ako. Hindi naman ako nasasaktan eh. Kasi sa ‘Be Careful With My Heart’ hindi ako first choice roon. Maraming projects na hindi ako first choice, pero sa akin napupunta at ako ang suwerte. Hindi importante sa akin kung sino ‘yung first choice nila. Ang importante sa akin, sa akin napunta at gagampanan ko ng buong-buo.

“Maganda ‘yung proyekto as in maganda. ‘Pag napanood niya, hindi ko alam, baka ayaw niyang gawin kasi hindi niya talagang gustong gawin, kung anumang rason.

“Mayroon din nga kasing nagtatanong sa akin ng ganito na sinasabihan nila ako na ngayon pa lang inaano nila ako kay Ate Guy na parang, ‘After Ate Guy, ikaw na ‘yung sunod. Ano ang pakiramdam?’

“’Yung parang ikinu-compare ako kay Ate Guy. Gusto ko lang sabihin sa inyo rito na, please huwag niyong gawing i-compare ako kay Ate Guy. Kasi ni katiting sa narating ni Ate Guy, hindi ko narating iyon.

“Ate Guy is Ate Guy, no comparison. Irespeto natin ang Superstar dahil pinaghirapan ni Ate Guy iyan. Isa ako sa may respeto at humahanga kay Nora Aunor, sa Superstar natin. At kahit anong mangyari, kahit hindi niya ito nagawa, ako ang gumawa lalapit pa rin ako sa kanya at sasabihin ko na walang yabang, ‘Ikaw pa rin ang nasa top. Ikaw pa rin ang nirerespeto ko. Ikaw pa rin ang nag-iisang Nora Aunor!’ Nora Aunor is Nora Aunor! Walang makapapantay, walang makalalagpas!” pagkatapos sabihin ito ng aktres ay palakpakan ang lahat ng mga katotong humahanga kay Ate Guy.

Mga kaibigan ni Daddie Wowie Roxas ang producers ng Jesusa na sina Junell Rayos at Jean Hidalgo na nagtayo ng OEPM Productions.

Nabanggit pa na sa ibang bansa muna ito ipalalabas bago sa Pilipinas.

Ang makakasama ni Ibyang sa Jesusa ay ang award winning actor na si Allen Dizon gayundin sina Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Vince Tanada Beverly Salviejo, Dean Rafols, OJ Bacor, James Lomahan at may special participation sina Fanny Serrano at Mon Confiado. Introducing si Uno Santiago na bagong alaga ni Daddie Wowie.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Marian Rivera Dingdong Dantes

Marian ‘di kayang mawala si Dingdong

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Marian Rivera sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin ng …

MJ Felipe Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen

KathDen komportable na sa isa’t isa kompara noong unang magkatrabaho

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni MJ Felife para sa ABS-CBN News kina Kathryn Bernardo at Alden Richards, tinanong sila kung …

Yorme Isko Moreno

Isko tuloy pagtakbo sa Maynila harangan man ng sibat

I-FLEXni Jun Nardo HINDI naman na naandap si Isko Moreno sa kalaban niya bilang Mayor ng Maynila …

Maja Salvador ASAP

Maja balik-Kapamilya, Kim fans umalma sa special treatment 

I-FLEXni Jun Nardo BALIK-KAPAMILYA na nga ba uli si Maja Salvador dahil sa grand welcome sa kanya …

Blind Item, Mystery Man, male star

Male starlet mahilig manood ng BL series dahil kay supporting actor

ni Ed de Leon INAMIN ni male starlet na totoong nanonood siya ng isang BL series, pero …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *