Thursday , June 4 2026

Xian at Louise, ‘di takot sumubok ng mga bagong bagay

UNANG pagtatambal nina Xian Lim at Louise del Rosario ang bagong handog ng Viva Films, ang Hanggang Kailan na pinamahalaan ni Bona Fajardo at mapapanood na sa Pebrero 6.

Handa ang Kapuso turned Kapamilya actress na magtagal sa showbiz, kaya naman game siya anumang role ang ibigay sa kanya. Kung ating matatandaan, ang huling teleseryeng kinabilangan niya ay ang Asintado na pinagbidahan ni Julia Montes sa ABS-CBN at Para sa Broken Hearted (October 2018) ang huling pelikulang ginawa.

Kaya kaabang-abang kung ano ang bagong maipakikita ni Louise sa kanyang fans ngayong katambal niya ang Chinito Heartthrob.

Higit naman pa sa pag-arte ang kontribusyon ni Xian sa pelikulang ito dahil ang kanyang production house na XL8, ang isa sa mga bumuo nito kasama rin ang BluArt Productions.

Tulad ni Louise, hindi takot si Xian na sumubok ng mga bagong bagay.  Noong nakaraang taon, sinimulan niya ang karera sa basketball.  Siya ay kasalukuyang naglalaro para sa Mandaluyong El Tigre sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League).  Kasama rin siya sa box-office hit movie na Miss Granny

Ang Hanggang Kailan ay sinasabing katulad ng mga pelikulang 100 Tula Para Kay Stella at Sid & Aya (Not a Love Story),  na may kakaibang tema ng pag-ibig. Gumaganap sina Xian at Louise bilang sina Donnie at Kath, magkasintahang nagdiriwang ng kanilang ikalawang anibersaryo.  Ngunit sa kabila ng kanilang pagmamahalan, napagkasunduan nilang tapusin na ang kanilang relasyon.

Bago tuluyang maghiwalay, kumuha ng ilang araw na bakasyon ang dalawa sa Saga, Japan.  Sa gitna ng magagandang tanawin, may mga bagong alaalang mabubuo, may mga pusong madudurog.  At noon pa man, alam nilang mangyayari ito.

Ang istorya nito’y mula sa kuwento ni Onay Sales na binigyang kulay ng director din ng mga pelikulang I Found My Heart in Santa Fe, Kahit Ayaw Mo Na, at Iliw. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …