Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Divine, tumaas ang BP dahil sa pagsakay ni Sarah sa motor

MAY nakapagtsika sa aming tumaas ang BP ng dearest mom ng Pop Princess na si Mommy Divine nang nakita ang mga picture ni Sarah Geronimo na naka-post sa social media habang sakay ng dirtbike. Kung totoo ito, bilang isang ina, naiintindihan naming dahil mapanganib ang ganitong sport. Para mo ring inilalagay ang kalahati ng buhay mo sa hukay.

Dagdag pa ng source, tiyak na minus point ito kay Matteo Guidicelli na balitang ito pa ang nag-encourage para subukan ang dirtbike, isa sa  paboritong sports ng aktor. Iyon ang kauna-unahang bike na sinubukan ng aktor noong 10 taon gulang pa lamang.

“And Matteo is riding really well kasi Matteo used to do PW50s when he was 10 years old or nine years old on the same bike,” sambit pa sa amin.

Ang tsika pa, isa sa pinakamasaya at todo ang pag-cheer ay ang aktor dahil matagumpay na nagawa ni Sarah ang pagsakay sa PW50 bike.

Naganap ito nang samahan ni Sarah si Matteo sa kanyang motor cross training sa Taytay, Rizal. May tsika pang ito ang madalas na ginagawa ng dalawa.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …