Monday , December 23 2024

Banta kay Duterte: Tantanan mo kami! — Taguiwalo

NANAWAGAN si dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paninira sa kanya at iba pang matitinong kawani ng pama­halaan, gaya ng mga guro.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Taguiwalo, hindi krimen ang igiit ang demokratikong kara­patan na maging kritikal sa mga patakaran at pro­gramang kontra-mama­mayan at kontra-mahi­rap.

“I call on the President to stop demonizing me and other upright civil servants like my fellow teachers whose only crime, if it can be con­sidered a crime, is to exercise our democratic right to be critical of policies and programs that are anti-people and anti-poor,” ani Taguiwalo.

Binigyan-diin ni Ta­guiwalo na wala siyang ibinigay na pera sa New People’s Army (NPA) at hindi rin sila inilista bilang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ang buwelta ni Taguiwalo sa paulit-ulit na akusasyon sa kan­ya ni Pangulong Duterte na nakinabang ang mga rebeldeng NPA sa panahon niya sa DSWD

“No, Mr. President, I did not give money to the NPA nor did I enrol them in the 4Ps,” ani Tagui­walo sa kanyang Face­book page matapos muling ihayag ni Pangu­long Duterte sa Cotabato City na binigyan niya ng pera ang mga kasapi ng NPA.

Giit ni Taguiwalo, ang mga pamilya ng mga sundalong napatay sa larangan at mga indi­genous people ang kan­yang isinama sa talaan ng 4Ps batay sa utos ni Pangulong Duterte.

Ang mga akusasyon laban sa kanya ng Pangu­lo, giit ni Taguiwalo, ay walang basehan at hindi lumutang sa ilang beses niyang pagsalang sa Commission on Appoint­ments.

“I have been very open and transparent during my term. The President knows very well how I assiduously and con­tinuously reported to him the services and activities of the department,”  dagdag niya.

Batid at patutunayan ng mga kawani ng DSWD ang uri ng kanyang lide­rato at pagtatrabaho sa kagawaran.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *