Sunday , December 22 2024

Grace Poe, nangunguna pa rin sa 5 survey

TIYAK na ang pagiging No. 1 ni  Sen. Grace Poe sa na­la­lapit na midterm elections sa Mayo maka­raang manguna sa limang survey, pinakahuli ang 2019 Pulso ng Pilipino Track­ing survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa nitong 4 Enero hanggang 8 Enero 2019.

“The non-commis­sioned survey was con­ducted from Jan. 04 to 08, 2019 with some 1,200 respondents  eligible to vote in the 2019 senatorial and local elections. The survey has a confidence level of 98% and a margin of error of + 3.5%,” ayon sa ulat ng The CENTER.

Sa mga tinanong, pinili si Sen. Poe ng 63 porsiyento (%) para maungusan si  Sen. Cynthia Villar sa natamo nitong 62% sa mga kumakandidatong sena­dor.

Nanguna rin si Poe sa pinakahuling resulta ng survey ng Pulse Asia Research Inc., kaugnay ng 2019 Elections Senatorial Preferences nitong 14-21 Disyembre 2018.

Bago ito, si Poe rin ang No. 1 sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong 12-18 Nobyembre 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong  7-17 No­byembre 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong 16-19 Disyembre 2018 kaya nakatitiyak si Poe na magiging top­notcher sa nalalapit na hala­lan sa Mayo 13.

Nasa ikatlong puwesto sa The Center survey si dating senador at Rep.  Pia Cayetano na may 55% at nanatili sa No. 4 spot si Sen. Nancy Binay  sa taglay na 49%. No. 5 si Sen. Koko Pimentel sa natamong  44% samantala nagpantay sa ikaanim at ikapitong pu­westo sina dating senador Lito Lapid at Jinggoy Estrada  sa 42% at 41%.

Nasa No. 8 spot si Sen. Sonny Angara (39%), No. 9 si Francis Tolentino (33%), nasa No. 10. si dating Philippine National Police chief Bato Dela Rosa  (29%), No. 11. Si dating senador Serge Osmeña  (27%), at pang-12 si dating Special Assistant to the President Bong Go,  (24%).

Para kay political strategist Perry Callanta ng Strategic Training, Or­ganizing and Research Management (STORM) Consultants, malaki pa rin ang batak ni Fernando Poe Jr. (FPJ) sa kandidatura ni Poe lalo sa Visayas at Mindanao.

“May ‘FPJ Magic’ pa rin talaga kaya sigurado ako na magiging top­notcher si Sen. Poe sa nalalapit na eleksiyon,” diin ni Callanta. “Maganda rin ang mga nagawa ni Sen. Poe sa Senado tulad ng pagpapahaba ng validity ng ating mga  pasaporte at drivers’ license sa ten years.”

Idinagdag niya na kitang-kita ang lakas ng mahika ni FPJ kung bakit laging nasa Top 10 si dating senador at aktor na si Lito Lapid dahil sa papel niya sa seryeng “Probin­siyano” ng ABS-CBN.

“Maganda ang papel ni Lito Lapid sa ‘Probin­siyano’ kaya lagi siyang pasok sa Top Ten ng mga survey,” ani Callanta.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *