Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PPP Pista ng Pelikulang Pilipino cinema film movie
PPP Pista ng Pelikulang Pilipino cinema film movie

Pista ng Pelikulang Pilipino, naurong sa Sept. 11-17

NAURONG na pala sa Setyembre 11-17 ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na rati’y isineselebra ng Agosto 15-21.

Nagpadala kami ng mensahe sa FB account ni FDCP Chairperson Liza Dino pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang kolum na ito.

Anyway, base sa ipinadalang press release ng FDCP, “It’s official! Ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2019 ay gaganapin simula Setyembre 11 hanggang 17 na siyang magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng pelikulang Filipino.”

Bilang flagship program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang PPP ay isang linggong selebrasyon na eksklusibong magpapalabas ng mga dekalidad na pelikulang Filipino sa iba’t ibang genre sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Ito ang mga pelikulang may compelling narratives at elevated storytelling na appealing at makaeengganyo sa maraming iba’t ibang klaseng manonood.

Base sa pahayag ni Ms. Dino, “We are excited to involve the entire nation in the celebration of our 100 years of PH Cinema and what better way to do it than to engage our audience to support our quality genre films especially made for them. What we are looking for are films which have original narrative and unique storytelling but accessible to a wide audience and we cannot wait to showcase another amazing lineup this September.”

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Filipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.

Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno na ipinalabas noong Setyembre 12, 1919, at itinuring na pinakaunang pelikulang gawa ng Filipino.

Ang buong detalye sa mechanics at iba pang impormasyon sa call for entries ay ipahahayag sa lalong madaling panahon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …