Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahika ni FPJ bentaha ni Grace Poe

HINDI maikakailang malaking bentaha pa rin kay Sen. Grace Poe ang pagkakaroon ng amang aktor na si yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ) kaya siya ang laging nangunguna sa mga survey para sa nalalapit na midterm elections.

Muling pinatunayan ni Poe ang pangunguna sa mga survey nang siya rin ang mag-topnotcher sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Research Inc. kaugnay ng 2019 Elections Senatorial Preferences nitong 14-21 Disyembre 2018.

Bago ito, si Poe rin ang No. 1 sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong 12-18 Nobyembre 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong 7-17 Nobyembre 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong 16-19 Disyembre  2018 kaya nakatitiyak si Sen. Grace Poe na magiging top­notcher sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 13.

Sinuportahan si Poe ng 75.6 porsiyento (%) sa tinanong nang face-to-face na 1,800 respondents na edad 18-anyos pataas, malayong-malayo sa pumangalawa na si Sen. Cynthia Villar, na may 66.6 % samantalang pumangatlo si Sen. Sonny Angara na may 58.5% at dating senador Pia Cayetano na nagtamo ng 55.4 %.

Para kay political strategist Perry Callanta ng Strategic Training, Organizing and Research Management (STORM) Consultants, malaki pa rin ang batak ni Fernando Poe Jr. (FPJ) sa kandidatura ni Poe lalo sa Visayas at Mindanao.

“May ‘FPJ Magic’ pa rin talaga kaya sigurado ako na magiging topnotcher si Sen. Poe sa nalalapit na eleksiyon,” diin ni Callanta. “Maganda rin ang mga nagawa ni Sen. Poe sa Senado tulad ng pagpapahaba ng validity ng ating mga  pasaporte at drivers’ license sa ten years.”

Idinagdag niya na kitang-kita ang lakas ng mahika ni FPJ kung bakit laging nasa Top 10 si dating senador at aktor na si Lito Lapid dahil sa papel nito sa seryeng “Pro­binsiyano” ng ABS-CBN.

“Maganda ang papel ni Lito Lapid sa ‘Pro­binsiyano’ kaya lagi siyang pasok sa Top Ten ng mga survey,” dagdag ni Callanta.

Naglalaro sa ikalima hanggang kapitong pu­westo sina Lapid (49.8 %), Sen. Nancy Binay (46.7 5), at Sen. Koko Pimentel (45.5 %). Nasa No. 8 spot si dating senador Bong Revilla na may 37.6%; ikasiyam si Ilocos Norte Governor Imee Marcos (36.7%); No. 10 si dating senador Jinggoy Estrada (36.3); at No. 11 si dating Phillipine National Police chief Bato dela Rosa (35.7).

Nagpantay-pantay sa ika-12, ika-13 at ika-14 na puwesto sina dating senador Mar Roxas (35%), dating senador JV Ejercito (33.6%) at senador Bam Aquino (32.6%).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …