Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, lulundag na sa Kapuso

TRUE nga bang gugulatin na lang tayo ni Xian Lim sa kanyang paglundag sa GMA anytime now?

Ang alam naming dahilan ng paglipat ng sinumang artista mula sa kanyang tahanan en route to another network ay kawalan ng projects o kawalan ng balita kaugnay ng renewal ng kanyang kontrata.

Kung matatandaan, sa nakaraang ball ng Star Magic ay hindi imbitado si Xian kahit alam ng lahat na isa siyang Kapamilya artist.

Technically, hindi na nga siya network artist, hence his non-invitation to the grand affair. Nakaka-amuse lang kompara sa kaso ni Empoy (who was invited to the ball) na virtually ay bagong salta sa ABS-CBN, pero sa treatment na ibinigay sa kanya ay mistulang maraming taon na ang binilang niya sa estasyon.

Hindi namin masisisi si Xian kung maghanap man siya ng bagong masisilungan. Just when John Lloyd’s (Cruz) absence was supposed to give others a chance to shine tulad ni Xian ay hindi niya ‘yon napakinabangan.

Pero may puwang nga ba si Xian sa GMA?

All we know is that si Derek Ramsay ang bagong aabangan sa Kapuso Network, this after a long lull sa kanyang TV career.

Let’s face it, malayo at hindi puwedeng ikompara sina Derek at Xian. They’re like apples and oranges kung gagamitan natin ng idiomatic expression.

Mas malawak kasi ang range ng pagganap ni Derek who can do serious and light drama, haluan pa ng romance at comedy. Mas hunk din para sa amin si Derek samantalang malambot ang dating ni Xian.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …