Thursday , June 4 2026
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Welcome 2019… Isang masaganang taon sa inyong lahat mga suki

MAULAN na ipinagdiwang ang Pasko at Bagong Taon sa ating bansa.

Ayon sa matandang kasabihan, senyales raw ng kasaganaan ang ulan. Kaya marami ang naniniwala na ang 2019 ay masaganang taon.

Bukod sa maulan, papasok rin ang Year of the Earth Pig sa 5 Pebrero 2019. Simbolo umano ang Pig ng tubig at kasaganaan.

Isang magandang senyales nga naman ito.

Pero alam naman natin na hindi lang sa mga palatandaan o kasabihan papasok ang suwerte at kasaganaan sa buhay.

Ang internal na salik pa rin ang magpapasya kung paano natin gagawing matagumpay ang ating 2019.

Pero malungkot din, dahil marami tayong mga kababayan na sinalanta ng bagyong Usmansa Bicol at sa Oriental Mindoro.

Maraming pagsabog ang naganap hindi lang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.  Ilang aksidente rin ang naganap sa ibang panig ng daigdig.

Pero bago pa tayo malungkot sa mga nasabing pangyayari, gusto muna nating magpasalamat sa inyong lahat na patuloy na tumatangkilik sa ating kolum na Bulabugin at sa aming pahayagan na HATAW! D’yaryo ng Bayan.

Hangad namin na patuloy kayong pag­lingkuran kahit sa pinakamaliit na bagay na aming maitutulong. Alam nating mabilis na ang balita ngayon dahil sa social media gayonman nanatili kami sa aming layunin na hatiran kayo ng mas detalyadong balita.

Sama-sama nating harapin ang 2019 na may positibong pananaw na kaya nating gapiin at solusyonan ang mga kakaharaping pagsubok.

Hindi lang bilang indibiduwal kundi bilang nagkakaisang mamamayan ng ating bansa. Ngayon pa lang ay marami na ang nangangam­ba sa bantang dagdag na buwis na papasanin natin ngayong 2019.

Nawa’y maging matatag tayo sa pagharap sa mga pagsubok sa taong ito.

Muli, isang masagana at mapayapang bagong taon sa inyong lahat

Salamat po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …