HINDI raw pork barrel na matatawag ang mga pondong mahahawakan ng mga congressmen at senadores dahil ito raw ay nakatuon antimano sa mga proyekto na ipinangako nila sa kanilang constituents ayon sa ilang kongresista.
Kung gano’n e, ano naman ang makabagong tawag dito?
Dati nang tinawag itong Priority Development Assistance Fund o PDAF na mistulang panuhol sa mga mambabatas upang sang-ayunan ang mga pangunahing agenda ng administrasyon.
Ito rin umano ang ginamit upang mapadali ang pagpapasibak kay dating Chief Justice Renato Corona. Samakatuwid, naging demonic priority funding ito para sa pansariling agenda ng nakaraang administrasyon, kaya mismong ang Supreme Court ay kumontra rito.
Nakulong na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Johnny Enrile dahil dito ‘di ba?
Re-allignment lang,
hindi scrapping!
Plantsado na ng grupo ni Speaker GMA at Rep. Rolando Andaya Jr., ang P52B pork barrel ng mga kongresista na hinati sa 40 congressional district at naisingit sa P3.757 trillion 2019 national budget. Ito ay naka-insert umano sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Nabisto lang daw ito ng ilang kongresista, kaya nabulilyaso ang plano at nagkaroon ng re-allignment ang pondo patungo sa mga proyekto ng Department of Education, Department of Agriculture, Department of Health at National Disaster and Risk Management.
Mahihirapan silang maghanap ng kontratista ngayon na magbibigay ng SOP kaya kurot-kurot na lang muna! Hahaha
Mambabatas sila
at hindi mambabakal!
Hindi naman talaga sila ang dapat na nagangasiwa ng biddings at nakikipag-usap sa mga contractors, dangan nga lamang at nakasanayan na ito upang makapangalap ng pondo para sa eleksiyon.
Marami talagang contractors ang bumabakas sa mga nakalalamang na sa laban na mga kandidato sa pagka-congressman, at sila ngayon ang tumatayong consultants at sulsoltants para sa infrastucture projects ng kanilang distrito.
Ngayon, malamang na mabawasan o mabokya muna ang mga kapitalistang kontratista na mga hayok…
Aray ko! Hahaha!
BAKAS
ni Kokoy Alano