Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1-B areglohan sa Smokey ibinasura ng CA

IBINASURA ng Court of Appeals ang nauna nitong kautusan na mediation talks para sa settlement ng mga kasong may kaugnayan sa claims ng developer ng napurnadang Smokey Mountain project sa Tondo laban sa National Housing Authority.

Ang hakbang ng CA ay kasunod ng babala mula sa government corporate counsel laban sa posibleng mapan­linlang na pagbabayad ng P1.1 bilyon ng NHA sa R-II Builders, ang pro­ponent ng reclamation and housing development sa slum area sa Tondo slum noong 1993.

Sa resolusyon, sinabi ng first division ng CA na nagdesisyon silang i-terminate ang  mediation proceedings at ibalik ang consolidated cases sa appellate proceedings, kaya’t ang mga kaso ay submitted for decision na.

Nais ng CA na mag­kasundo ang NHA at RII Builders sa pag-aayos sa gusot.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang NHA na makipag-ayos sa pa­ma­magitan ng pagba­bayad sa R-II Builders ng P1.12 bilyon kasama ang karagdagang limang ektaryang property sa Vitas, Tondo.

Ang desisyon ng korte ay kasunod ng pana­wagan mula sa concerned NHA union officers and senior executives na pa­talsikin si NHA general manager Marcelino Esca­lada na sinasabing galing sa grupo ng sinibak na Housing & Urban Develop­ment Council Secretary General na si Falconi Millar.

Nahaharap ngayon si Millar sa kasong kati­walian matapos siyang sibakin ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.

Ang “inconsistencies” sa terms of settlement na inaprobahan ng NHA ang nagtulak sa Office of the Government Corporate Counsel na harangin ang payment at magbabala laban sa pagtatangkang dayain ang pamahalaan sa pamamagitan ng P1.12 bilyong  buwis mula sa taong-bayan.

Sa liham kay NHA General Manager Mar­celino Escalada noong nakaraang buwan, sinabi ni OGCC chief Elpidio Vega, naguguluhan siya dahil sa kabila ng records ng NHA na nagpa­paki­tang overpayment ng tinatayang P300 milyon ang proyekto ay handa pa rin ang pamahalaan na i-settle ang gusot sa halagang P1,122,416,969.

Ang OGCC ang ku­ma­katawan sa housing agency sa mga kaso nito sa CA.

“NHA’s Accounting Department reviewed the financial claims of RII and presented to the NHA Board its findings that RII had, in fact, been overpaid by around P300 million,” sabi ni Vega kay Escalda sa kanyang sulat.

Gayonman, hindi pinansin ang impor­ma­s-yon na ibinigay sa NHA board noong Hunyo, itinuloy pa rin ng board ang pag-iisyu ng reso­lusyon noong Hulyo na nagbibigay ng awto­risasyon sa settlement, at baguhin ang settlement terms sa ibang board resolution noong October 3.

Dahil sa discrepancy, tinawagan ni Vega ang NHA para i-postpone ang proceeding na ipinag-utos ng korte.

 

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …