THANKFUL ang actress, producer, model, at fashion and jewellery designer na si Joyce Peñas sa parangal na ipinagkaloob sa kanya ng PC Goodheart Foundation ng businesswoman at maindie film producer na si Ms. Baby Go. Iginawad kay Ms. Joyce ang Most Outstanding Empowered Woman of 2018 sa event na ginanap recently sa Marco Polo, Ortigas.
“Tuwang-tuwa nga ako, kasi ang bait naman ni Ms. Baby Go at saka ng PC Goodheart to recognize, really, ‘yung efforts din namin, ‘di ba?
“Of course gagawa tayo ng kabutihan hindi para mapansin, kundi para naman mai-share natin sa ibang tao na kapag mayroon silang ginawang kabutihan, magkakaron ng impact ‘yun sa ibang tao. Parang ang gusto kong mangyari, ‘yung ibang tao ma-encourage rin na gumawa ng kabutihan kahit gaano kaliit.
“We have to start with ourselves, ‘di ba? ‘Pag nag-start ka sa sarili mo, mahalin mo sarili mo, ‘yung family mo mamahalin mo, ‘yung community, and then the city and then eventually the whole world, ‘di ba?”
Ano ba talaga ang pinaka-priority niya bilang career woman? “Kasi alam mo, ang buhay natin iisa, ‘di ba? So you can never say this and this and this and that for tomorrow. Actually, love ko lahat, e. Pero siguro, ang pinaka-love ko ay iyong modelling ko.”
Nabanggit din ni Ms. Joyce na masaya siya sa forthcoming movie nilang Ang Sikreto ng Piso na sa January 27 na ang showing. Tinatampukan ito nina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Ito ay mula sa JPP Dreamworld Productions na pag-aari ni Ms. Joyce, at sa pamamahala ni Direk Perry Escaño.
“Proud ako sa movie ko and happy akong makatrabaho ang mag-asawang bida rito na sina Gelli at Ariel, kasi madali silang kausap, mababait, at mga professional sila talaga. And siya nga pala, magho-host ako sa concert ng friend kong soprano na si Kathy Hipolito Mas sa Teatrino sa Dec 1, 2018, around 6pm. Ako rin ang mag-dress up sa kanya. They can buy tickets there, sinu-support ko mga friends ko,” wika ni Ms. Joyce.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio