Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Dingdong Dantes
Coco Martin Dingdong Dantes

Dingdong, makalamang na kaya kay Coco?

KUNG hindi man nailaglag ni Victor Magtanggol ni Alden Richards ang top rated action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin,  nagsanib-puwersa ang dalawang big star ng Kapuso, sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa Cain at Abel para sagupain ang Kapamilya actor.

Ang Cain at Abel ay ikatlong beses nang napanood. Ang una ay noong 1964 (Kamay ni Cain) tampok si Fernando Poe Jr. at Zaldy Zshornack na idinirehe ni Gerardo de Leon. Ikalawa ay pinagbidahan nina Christoper de Leon at Phillip Salvador noong 1982 na idinirehe ni Lino Brocka. Ngayong taon, ito’y pamamahalaan ni Toto Natividad.

Abangan na lang ang pagsabak nito sa ere at tingnan kung mapapantayan nila ang controversial teleserye ng Kapamilya.

Dinig namin hindi nagpapa-double si Dennis sa mabibigat niyang eksena rito.

Pag-iilaw ng Christmas tree

ng Araneta, dinagsa

FOR 37 years sinisindihan ang giant Christmas tree sa may Araneta Center. Bago mag-Pasko ilan sa showbiz personalities ang dumadalo sa pag-iilaw nito.

Kamakailan, sina Sarah Geronimo at Vice Ganda ang nag-ilaw. Masaya ang affair dahil dumalo ang kyusi vice mayor na si Joy Belmonte at Binibining Pilipinas chairman Stella Marquez-Araneta.

Sobrang daming tao rin ang nakiisa sa pag-iilaw.

***

BIRTHDAY greetinngs sa mga November born—Gov. Imee Marcos, business magnate Lucio Tan, Manoling Morato, Priscilla Almeda, Laila Montelibano, Janus del Prado, Liwayway writer Boy Silverio, Arjo Atayde, at Josie Maniago.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …