Saturday , November 23 2024
Niña Taduran
Niña Taduran

Niña Taduran, 3rd Nominee ng ACT-CIS partylist

MADALAS akong manood ng Wanted sa Radyo at hanga ako sa tulong na ibinibigay kapwa nina Raffy Tulfo at Niña Taduran.

Kamakailan nakasama namin sa isang pananghalian si Nina at naikuwento nga nitong siya ang ikatlong nominee ng ACT-CIS o Anti-Crime and Terrorism thru Community Involve­ment and Support. Pero bago ito’y aware na akong tatakbo siya sa isang partylist dahil itinampok din naman iyon sa radio show nila ni Tulfo.

Kasama niyang tatakbo sa kanilang partylist ang asawa ni Raffy na si  bilang nominee no. 2 Jocelyn Tulfo at si Eric Go Yap, ang kanilang nominee no 1, isang negosyante.

Nais pa ni Nina na makatulong pa at makapaglingkod sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas para sa mga kababayang mas nangangailangan ng tulong. Subok na rin naman ang  pagtulong ni Nina dahil sa kanilang public service radio show. Kaya nakatitiyak tayong madadala ni Nina sa Kongreso ang pagtulong.

Ani Nina, ang ACT-CIS ang totoong public service. Naging co-host siya ni Mr. Tulfo for 20 years at nagsanib puwersa sila para sa totoong public service.

Naiiyak man si Nina sa pag-iwan sa radio show nila ni Tulfo, sinabi niyang pansamantala lamang iyon.

“Magkakatulungan tayo, huwag mag-alala. May track record will speak for itself for the past 28 years in the broadcast industry  and 20 years sa public service with idol Raffy Tulfo. Nakita n’yo naman, nasubukan n’yo na ako. Tried and tested. Ito nga lang po mas lalong isasabuhay ko kasi magpapasa tayo ng batas para sa mga kababayan nating mas nangangailangan,” giit pa ni Nina.

Bukod sa pagtulong sa karapatan ng mga kababaihan at bata, nariyan din ang pagtulong niya sa LGBT community gayundin sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Giit pa ni Nina, nais niyang magpasa ng batas na magpapatibay sa programa ng gobyerno ukol sa poverty alleviation. Nakikita niyang sa pagtutulungan ng local government units (LGU) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng technology at d livelihood training sa mga komunidad, matutulungan nito ang mga out-of-school-youth at ang mga inang walang trabaho para maging mas produktibo sila.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines
Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines
RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products
RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *