Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin
Imelda Papin

Imelda, ‘di tatalikuran ang pagkanta

PALIKERO! Ganyan ilataran ng Jukebox Queen na si Imelda Papin ang siya namang naging Hari mg panahon nila na si Rico J. Puno. Na eventually eh, magiging super bestfriend pa pala niya bilang Kumpare.

“Hindi ko naman alam kung nanliligaw ba siya that time,” natatawang sabi ni Mel sa pagbabalik-tanaw namin sa kanilang friendship at tinanong nga siya kung nagkaroon ba sila ng relasyon o naging malapit ba ang mga puso nila ng mga panahon  na ‘yun.

“Puro palipad-hangin lang naman. At saka dahil alam ko naman na ‘yun nga palikero at lapitin ng chicks, hindi ko naman din inisip na may seryosong ligawan or whatever. Noon pa lang career-oriented na tayo.”

Kaya sa pagpanaw ng kanyang Hari sa Jukebox, napakalaki rin ng panghihi­nayang ni Mel. Kung kailan naman may ineendoso siyang produktong makatutulong sa immunity regeneration ng mga cell sa ating katawan, at saka pa nga niya ito hindi naibigay o naipakilala man lang kay Koriks.

“As what we I have always believed, lahat happens in God’s time. Noong magdesisyon ako to  come here and live here iniwan ko at isinakripisyo ang ini-enjoy ko na ring buhay in Las Vegas. Para makapagsilbi ako sa Camarines Sur.  Kaya babalikan ko ito ngayon. Tatakbo uli ako. At hindi ko rin naman iiwan ang showbiz. This has been my bread and butter. At ‘di ko matatalikuran ang pagkanta.”

Mel endorses ImuRegen. Na mga nucleotide na kailangan ng ating katawan para sa kabuuan ng ating DNA.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …