Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Nailandia
Marian Rivera Nailandia

Marian Rivera, 4 years nang endorser ng Nailandia Spa na mahigit 130 branches nationwide

Bale 4 years na pa lang endorser ng Nailandia si Marian Rivera at sa renewal ng kanyang contract sa Relish Resto sa Tomas Morato ay nagpahayag si Marian na gusto niyang magka­roon ng sarili niyang franchise ng ine-endosong nail studio and body spa.

Kaya lang sa ngayon ay hirap sa paghahanap ng magandang puwesto at buntis rin siya sa pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes. Flattered si Marian, nang sabihin ng lady owner ng Nailandia na since siya ang naging celebrity endorser ng kanilang company, mula sa 26 branches, dahil sa lawak ng fan base ng Kapuso actress, ngayon ay umabot na sila sa mahigit 130 branches nation­wide at may inquires na rin silang natatanggap from abroad.

Hindi malayong magkaroon ng Nailandia sa States, Dubai, at iba pang countries. At sa tanong kung nabigyan ba ng increase si Marian sa kanyang renewal?

Wala raw dahil mabait kausap ang actress at manager nanay-nanayan niyang si Sir Rams David na mayroong franchise ng Nailandia at Heroes Barber Shop na parehong located sa GYY Bldg. cor E. Rodriguez Ave and Tomas Morato. Kasosyo niya rito ang kaibigan niyang director na si Direk Don Cuaresma. In all fairness, ay dinagragsa ito ng customers.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Eat Bulaga paboritong show pa rin sa buong bansa, katapat na It’s Showtime consistent na talo sa NUTAM ratings

Eat Bulaga paboritong show pa rin sa buong bansa, katapat na It’s Showtime consistent na talo sa NUTAM ratings

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …