Thursday , June 4 2026
HATAW logo
HATAW logo

Mula sa Patnugot: 15 taon nang humahataw

LAGI kaming nanganganay. ‘Yan ang katangian ng gawain sa pama­mahayag. Nagiging  beterano lang ang isang mamamahayag dahil sa kanilang edad at tagal ng panahong inilalagi sa gawaing ito.

          Pero beterano man o hindi, ang araw-araw na pagganap sa trabaho bilang mamamahayag ay hindi puwedeng sabihing chicken.

          Sabi nga, ang husay ng isang mama­mahayag ay laging nakabatay sa kanyang huling istorya o retrato.

          Sorry kung bokya ang huling retrato o istorya mo bago ka pasulatin ng Diyos ng 30.

          Kaya kung dedikado ang isang mamama­hayag, mas gugustuhin niya ang pakiramdam na lagi siyang nanganganay dahil ang ibig sabihin noon, ginawa niya ang lahat upang iluwal ang bagong diyaryo sa bawat araw.

          God only knows, kung kinabukasan ay makapagkokober pa sa beat o makapagsasara pa ng mga pahina para sa isang bagong diyaryo kinabukasan lalo’t ang Filipinas ay ibinibilang sa isa sa mapanganib na bansa para sa mga mama­mahayag.

          O kung may pambili pa ba ng papel at pang-imprenta ang publisher.

          Hindi ibig sabihin ng pakiramdam na laging nanganganay ay pagiging perpekto.

          Mas pagiging dedikado, tapat, matiyaga at maingat dahil delikado ang aming trabaho — ‘yan ang nais naming ipaka­hulugan sa panganganay.

          Laging may kaba, may excitement at may ba­gong ideya kung paano tatapusin ang pagsasara ng mga pahina.

          Kaya kung 15-anyos na ang HATAW D’yaryo ng Bayan, ibig sabihin 5,475-araw na kaming nanganganay. 

          At sa aming pagpapatuloy, panghahawakan namin ang       aming pakiramdam na laging na­nganganaydahil sa pama­magitan nito, lalo naming sinisikap na magpakahusay.

                Sa lahat ng aming  tagatangkilikmaraming, maraming salamat po! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Editorial

Senadong nagpapanggap na malaya

WALA naman sigurong kokontra kay Senate President Alan Peter Cayetano nang igiit niyang kailangang protektahan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Panggigipit sa Senado, panggigipit kay Juan dela Cruz

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAKAIBA ang Senado ngayon, magulo dahil lumalabas o unti-unti nang nabubuko …

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …