Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
missing rape abused

16-anyos dalagita dinukot, nireyp ng utol ng nanay

ARESTADO ang isang 22-anyos lalaking wanted sa kasong pagtangay at panggagahasa sa kanyang 16-anyos dalagitang pa­mang­kin, makaraang ma­tunt­on ng mga awtoridad sa pinagtataguan sa Muntinl­u-pa City, nabatid sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay MPD Sam­paloc police (PS4) station commander, Supt. Andrew Aguirre, kinilala ang suspek na si Andrei Yamson, residente sa Muntinlupa City, nadakip ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section dakong 3:40  noong hapon ng 1 Oktubre sa kanyang bahay.

Batay sa ulat ng MPD, nabatid na hindi nanlaban ang suspek nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Celestina Ma­ng-ro­bang ng Manila Regio­nal Trial Court Branch 38, noong 10 Setyembre 2018 dahil sa kasong qualified rape.

Ayon kay PO1 Jo Sala­lac, ng MPD-PS4, si Yamson ang itinuturong tumangay at gumahasa sa kanyang 16-anyos na pamangkin.

Batay sa rekord ng pulisya, unang ginahasa ng suspek ang biktima sa bahay ng dalagita sa Amelia St., sa Sampaloc.

Sinamantala umano ng suspek na umalis ang ina ng dalagita saka isinagawa ang panghahalay ngunit hindi nagsumbong ang biktima dahil sa takot.

Noong 17 Mayo 2018, nagtungo ang ina ng biktima sa pulisya at ini-report na tinangay ng kanyang kapa­tid ang biktima at itinago.

Pagsapit ng Agosto ay hinalay umanong muli ng suspek ang biktima kaya’t nang magkaroon ng pagka­kataon ay tumakas at umuwi sa kanilang bahay ang dalagita.

Sinampahan ng kaso ang suspek at agad inaresto ng mga awtoridad nang maisyuhan ng warrant of arrest ng hukuman. (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …