PATULOY sa pag-arangkada ang showbiz career ni Mary Joy Apostol. Matapos magmarka sa pelikulang Birdshot, nagsunod-sunod na ang kanyang projects sa TV at pelikula.
Si Mary Joy ay sumungkit ng ilang Best Actress award sa pelikulang ito ni Direk Mikhail Red, na ang pinakahuli ay sa 2nd Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Mapapanood din si Mary Joy sa mga pelikulang Hospicio at sa Eerie na tinatampukan nina Charo Santos, Bea Alonzo, Jake Cuenca, Maxene Magalona, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Mikhail Red pa rin. Isa rin siya sa casts ng upcoming teleserye ng ABS CBN titled Los Bastardos.
Ang Hospicio ay tinatampukan ni Loisa Andalio sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio. Nabanggit ni Majoy (nickname ni Mary Joy) na sobra ang kaligayahan niya sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon.
“Oo naman po, super happy po ako sa takbo ng showbiz career ko, sobra! Ang role ko po rito ay si Karla, bale, isa po si Karla sa mga Hospicio residence, para siyang rehabilitation po. Isa po itong horror-thriller.”
Ano ang dapat i-expect ng manonood sa movie nila? “Maganda po ‘yung story and expect po nila matatakot po sila sa film na ito. Ire-recommend ko po ito sa mahihilig sa horror-thriller dahil I’m sure po na titili sila kapag napanood po nila ‘yung movie, hehehe.”
Anong klaseng katrabaho si Loisa? “Si Loisa po super gaan po niya ka-work and super-galing niya po and ang bait po ni Loisa,” tugon pa ni Majoy.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio