Thursday , June 4 2026

Kababaihan sa Senado

SA LUMABAS na Pulse Asia survey kung sino ang posibleng makapasok sa magic 12 ng senatorial bets, anim na babae  ang nakapasok dito — ang mga reelectionist na sina Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay; ang dating senador at ngayon ay Taguig Rep. Pia Cayetano; at mga “new players na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Kung tutuusin, maganda ang lineup ng magic 12 kung patuloy na mananatili hanggang sa huli ang pangalan ng mga babaeng posibleng lumahok at manalo sa Senado sa darating na 2019 midterm elections.

Sakaling makapasok nga ang walong iyan, lalo pa kung tutuloy na nga ang anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Sara, kahit paano ay mas magiging malakas na ang boses ng mga kababaihan sa Senado.

Sa kasalukuyang Kongreso, limang babae ang mayroon sa Senado at nakakulong pa ang isa, si Senador Leila de Lima, habang huling termino na ngayon ni Senador Loren Legarda. Kaya kung tutuusin, dalawa na lang ang matitira sa 2019 si Hontiveros at De Lima.

Alam naman natin lahat na palaging nadodomina ng kalalakihan ang Kongresomapa-Mababang Kapulungan man ‘yan o Senado, kaya isang malaking development sa sektor ng mga kababaihan sakaling dumami nang konti ang repre­sentasyon nito sa legislative body.

Umaasa tayo na mas magiging matimbang pa ang pangalan ng mga babae na lalahok sa darating na halalan, at nananalig na mananalo rin upang kahit paano ay maging balanse ang representasyon nito sa Kongreso para maipaglaban ang kapakanan at karapatan ng kanilang mga kabarong kaba­baihan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …