Thursday , June 4 2026

CJ, binigyan ng 2nd chance ni Coco, mapapanood na sa FPJAP

READ: Kris, matapang na sinagot ang isang netizen
— Sariling pera ko ang ginamit ko sa pagtulong
READ: The Day After Valentines, nangunguna sa PPP 2018

MASAYANG ibinahagi ni CJ Ramos noong Martes ang litrato nila ni Coco Martin na kung pagbabasehan ang caption niya ay binigyan siya ng ikalawang pagkakataon ng aktor.

Meaning, lalabas na rin siya sa numero-unong action serye ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa mga nasulat sa abs.cbnnews at pep.ph, binigyang pagkakataon ni Coco na makalabas sa kanyang action-seryeng FPJ‘s Ang Probinsyano ang aktor na nahuli kamakailan dahil sa droga.

Kung ating matatandaan, naaktuhan ng mga operatiba si CJ na bumibili ng ipinagbabawal na gamot. Kaya naman nakulong ang batang aktor na sumikat noong 90‘s.

Nagbida si CJ sa mga pelikulang Ang TV Movie: The Adarna Adventure at Tanging Yaman.

Marami ang natuwa sa ginawang ito ni Coco na sana’y hindi sayangin ni CJ. Isa kasi sa sinasabing rason ng batang aktor kaya siya nagumon sa ipinagbabawal ba gamot ay dahil sa kahirapan at kawalan ng proyekto. Kaya na-depress siya at natuon ang atensiyon sa droga.

Pinagsisihan naman ni CJ ang nangyari sa kanya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …