READ: Lance Raymundo, saludo sa professionalism ni Piolo Pascual
ISA si Josh Yape sa up and coming young singer ng bansa. Madalas siyang napapanood lately sa mga shows at mall tours. Kabilang sa mga pinagkaka-abalahan niya recently ay guestings sa Wish FM 107.5, Pambansang Almusal, Net25 sa Letters at sa Pinas FM 95.5.
Nabigyan din siya ng parangal sa 2018 Gawad Pilipino bilang Pinakamahusay na Kabataang Mang-Aawit ng Taon at Media People’s Choice Award 2018 Gawad Filipino Awards. Recently ay nabigyan din ng break si Josh sa EuroTV Philipinnes bilang host, kaya naman sobrang thankful ng binatilyo.
Saad ni Josh, “Okay naman po ‘yung mga show po namin, napaka-successful po at maraming positive comments po sa show. Pati po iyong aming Mall tour na nagsimula sa Ali Mall, Cubao po, naging okay naman po.
“Pinapasalamatan ko po lahat ng tumutulong sa akin, pati na rin po si Tito Throy J. Catan, sa mga oppurtunity po na ibinibigay niya sa akin at sa mga advice po. At sa Euro TV Philippines po na binigyan ako ng pagkakataon para maging isa po sa regular host sa segment po na Euro TV Playlist Live. And siyempre po, masaya po ako na matanggap ‘yung award ko.”
Sinabi rin ni Josh ang kanyang mga single. “Opo, mayroon akong single na Maghihintay Ako at Kahit Malayo Ka. At magkakaroon po ako ng third single po, iyong Hanggang Ngayon.
“Available na po siya sa Spotify, iTunes, Amazon, Guvera, at Deezer po. For more updates po sa mall shows po, puwede po nila akong i-follow po sa social media ko po, Facebook po – Josh Yape, Instagram ko po @joshuamallows po.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio