Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, dinalaw si Joshua, inilibot pa sakay ng Ferrari

HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay dumalaw si Willie Revillame kay Kuya Joshua Aquino sa bahay nila dahil nabalitaan ng TV host na may sakit ang anak ng kaibigan niyang si Kris Aquino na halos kapitbahay din niya sa eksklusibong subdibisyon sa Quezon City.

Nitong Sabado lang nakauwi ng bahay nila si Josh simula noong na-admit siya sa hospital kaya dumalaw na si Willie bukod pa sa naka-schedule niyang meeting kay Kris para sa isang project na hindi pa namin nakukuha ang detalye.

Base sa nakuha naming litrato ay masayang-masaya si Josh sa pagdalaw ni kuya Will niya dahil binigyan siya ng jacket at CD.  Ang nakatutuwa nang makita ng panganay ni Kris ang Wowowin host ay yumakap at sabay kumanta ng mga kanta nito.

Samantala, bago si Willie ay naunang dumalaw na rin ang ate Erich Gonzales ni Josh noong Huwebes.

As of this writing ay planong i-drive ni Willie si kuya Josh sa kanyang Ferrarri car at sana ay maganda ang panahon para mas lalong mag-enjoy ang panganay na anak ni Kris.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …