DAVAO CITY – Patay ang tatlong miyembro ng pamilya habang isa ang sugatan makaraan masunog ang kanilang bahay sa NHA Buhangin, nitong Lunes ng madaling-araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, naipit sa nasusunog nilang bahay ang padre de pamilya na si Christopher Pascual, asawa niyang si Rose at 12 anyos nilang anak na si Camille.
Habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center ang nag-iisang survivor na si Pamela, ang panganay na anak ng mag-asawang Pascual.
Ayon kay Fire Inspector Esekiel Tabon, operations head ng city fire station, posibleng sa bahagi ng kusina nagmula ang apoy, ngunit inaalam nila ang eksaktong sanhi nito.