NOONG Martes, July 10, ang 13th wedding anniversary sana ng dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap.
Ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang civil wedding, na ginanap sa bahay ng dating business manager ni Kris na si Boy Abunda sa Quezon City.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ng message si Kris ng paggunita sa naganap na pag-iisang dibdib nila ni James noong July 10, 2005.
Sabi ng TV host-actress, “13 years ago today we made a commitment. BUT fate took us in different directions. Yet together we produced 1 of my 2 greatest achievements aka BIMB…”
Sa huling bahagi ng post ng TV host-actress, nagpaabot siya ng mensahe para sa dating mister at sa bagong pamilya nito.
“I sincerely wish you & your growing family peace & lasting happiness.”
Base sa kanyang ginamit na tags, tila ginawa ito ni Kris para sa anak nila ni James na si Bimby: “anythingandeverythingf ormybunso” at “#peaceinmyheart.”
Kalakip ng mensahe niyang ito ang sumunod na quote cards: “She is at a place in her life where peace is her priority and negativity cannot exist. PEACE in our hearts, in our home, in our world.”
MA at PA
ni Rommel Placente