Sunday , April 28 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Holdapan sa Parañaque City talamak

HABANG nagsisikap ang ilang mga kababayan na naghanapbuhay nang parehas at maayos sa pagtatayo ng maliliit na negosyo, ilang ‘demonyo’ naman ang mabilis na nakapagpaplano para ‘nakawin’ ang pinagpaguran ng masisikap na tao sa pamamagitan ng panghoholdap.

At hindi lang maliliit na negosyante ang binibiktima, kundi maging ang mga customer na kumain lang saglit ‘e ‘nahubaran’ pa ng mga importanteng alahas, gadget at maging cash.

Ganito ang karanasan ng mga food establishment sa Barangay Don Galo, Parañaque City.

Kamakailan lang, parang ‘umani’ ng ‘gintong palay’ ang mga notoryus na riding-in-tandem hold-uppers na sumalakay sa mga food establishment sa area na ‘yan.

At dahil sa kasabihang, habang may buhay ay may pag-asa, minabuti na lang ng mga biktima na ibigay ang kanilang salapi, gadgets at iba pang valuables sa mga holdaper kaysa naman buhay nila ang nakawin.

Siyempre, manlulumo at maiiyak lang sila ka­pag wala na ang mga holdaper at mapag­tatanto nila kung ano, magkano at ang halaga sa buhay ng mga ninakaw sa kanila.

Masakit talaga sa loob ‘yan, na ang mga bagay na pinag­sikapan at pinagpagurang makuha ay biglang mawawala dahil sa pagnanakaw na tila simbilis ng kidlat.

Pero higit na masakit, kapag nabatid ng mga biktima ng holdap na ilang metro lang pala ang layo sa pinangyarihan ng insidente ang estasyon ng pulisya o police community precinct (PCP).

Hindi ba Parañaque police chief, S/Supt. Leon Victor Rosete?

Ilang metro lang po ba ang layo ng PCP diyan sa Barangay Don Galo sa food establishments na mukhag alaga nang holdapin ng mga holdaper?!

Kernel Rosete Sir, hihintayin pa ba ninyong si NCRPO chief, Gen. Guillermo Eleazar ang umaksiyon laban diyan sa mga holdapan na ‘yan?!

Aba, baka madamay pa maging si Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apolinario, Jr.?!

Kailan ka kaya aaksiyon, Kernel Rosete?!

APELA NI SEN. TITO SOTTO
PARA SA COMMITTEE HEARING
NI SEN. DE LIMA
TABLADO KAY PNP CHIEF

ANG korte hindi ang Philippine National Police (PNP) ang makapagtatakda kung pu­wedeng magsagawa ng Committee Hearing si Senator Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

‘Yan ang sagot ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde sa apela ni Senator Tito Sotto.

“It is with regret that the PNP cannot appropriately act on the matter considering Senator De Lima’s status as a detention prisoner with restricted right to exercise profession and hold public office,” ani PNP chief, Director General Oscar Albayalde sa kanyang liham kay Tito Sen.

Dagdag ni Albayalde, “it was up to the court, which has jurisdiction over her case, to decide whether or not she could be allowed to hold committee hearings at the PNP Custodial Center where she is being detained for illegal drugs offenses.”

Relatibo ito sa Supreme Court decisions gaya ng  Trillanes IV versus Pimentel, et al, GR No. 179817 dated June 27, 2008; and People vs. Jalosjos GR Nos. 132875-76 dated November 16, 2001, na pinagbatayan ng PNP sa kanilang desisyon.

Tsk tsk tsk…

Mukhang bigo si Senator Leila na maisakatuparan ang kanyang hangarin na isulong ang kanyang tungkulin bilang mamba­batas.

Palagay natin, sa korte dapat magpaalam si Senator Leila para mabigyan ng katuwiran at katarungan ang kanyang kahilingan.

Ano sa palagay ninyo, Tito Sen?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *