Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Gideon, pinaringgan si Kris — Blind for Love

ESCORT ni Kris Aquino ang magiting na abogado ng Bikol, si Atty. Gideon Pena sa premiere night ng I Love You, Hater kaya naman trending sa thread ng Kris Aquino World ang pagbati sa dalawa. Halos iisa ang sinasabi ng lahat, ‘Bagay na bagay; sana sila na para masaya; praying that he is the one; siya na ang forever mo’ at marami pang iba.

Mayatandaang nagbitiw na si Kris ng salitang hindi interesado sa kanya si Atty. Gideon romantically, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang milyones na tagasubaybay ng Queen of Online World and Social Media.

Sa totoo lang, palaisipan sa amin kung sino ang tinutukoy ng Blind for Love na nakasulat sa suot na sweatshirt ni Atty. Gideon?  Sa rami kasi ng maisusuot ng magiting na abogado ay ito pa at itinaon pa na magkasama sila ni Kris na naka-sweatshirt din.

Samantala, para na ring si Kris ang abogado dahik sa bawat post nito ay maraming likes at inire-retweet din bukod pa sa mga komento.

Tulad ng kung ano-ano at may mga hugot pang linya tulad ng sinabi ni Harry Potter (daw), “Harry Potter was repeatedly told that it is futile to resist the dark lord. But he refused to stand from a position of weakness and defeatism. That made all the difference.”

May patama rin para sa mga taong, “Friends who do not tell you that you are wrong when you are not good friends. The same is true with so-called patriots.”

Kaya naman parang gusto naming interbyuhin si Atty. Gideon ukol sa maraming bagay tulad ng may plano ba siyang maging bahagi ng showbiz, not necessarily artista kundi maging abogado ng celebrities tulad nina Atty. Joji Alonso, Atty. Ferdinand Topacio at iba pang laging laman ng balita dahil sa mga kasong hawak nila.

O baka naman sa pamamagitan ng social media inilalabas ni Atty. Gideon ang stress niya sa trabaho?

Anyway, base sa reaction naman nina Kris at Atty Gideon na nakunang magkatabi sa nakaraang premiere night ay ang ganda ng mga ngiti nila, huh?  Ano kaya ang pinag-uusapan nila habang pinanonood ang I Love You, Hater?

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …