Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“King Of FB Wheel Of Fortune” Tyrone Oneza, 45 Days Sa Bansa Muling Pasasayahin Ang Tyronenatics

FEW days from now ay balik bansa na uli si Tyrone Oneza na parami ng parami na ang ipinagkakaloob na titulo na ang latest ay “lalaking Nora Aunor,” kasi tulad ni Ate Guy ay napaka-matulungin ni Tyrone sa kanyang Tyronenatics sa buong bansa. Magmula sa bata, dalaga, binata, nanay, tatay, lolo at lolang fans ay hindi namimili si Tyrone ng kanyang tutulungan. Sa katunayan marami na siyang pinag-aaral ng libre sa kanyang TOSP o Tyrone Oneza Scholarship Prog at umaabot na pala sa 3 million pesos ang naibigay nito sa lahat ng fans na humiling sa kanya ng gadgets, appliances, toys, shoes, bag, wallet at cash na every week ay nagtutungo ng personal si Tyrone sa BDO para makapagpadala ng pera sa kanyang scholars at mga nanalo sa kanyang pakontes sa “Tyrone Oneza FB Wheel of Fortune.” Pero ang ikinadurog talaga ng aming puso ay ‘yung pinadalhan niyang pamilya na halos wala nang makain dahil walang pambili gayondin ‘yung isang tagahanga niya na si Francia Martinez na dahil sa kahirapan ay naisangla ang cellphone. Humiling ito sa idolong recording artist-business sa Tyronenatics Wish Ko Lang at presto ginrant ni Tyrone ang kahilingan niya kaya’t natubos nito ang kanyang cellphone. At ngayong taon ay mas mahaba-haba ang magiging bakasyon ni Tyrone at magtatagal siya ng 45 days sa pag-stay dito kasama na ang pag-iikot sa buong Filipinas at malaking Fans Day, at excited na ang kanyang mga Tyronenatics sa mga pasalubong niya rito kasama ng ang mamahaling gadgets at mamimigay rin siyempre siya ng cash. Kasama sa bakasyon ng ballader ng masa ang ilang TV and radio guesting at concert na rin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …