Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, binatikos na lampa; Angel, ‘di pinalampas

NAGBUBUNYI ang sup­porters nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa umereng episode ng Bagani nitong Martes ay nakabalik na sila sa Sansinukob bilang sina Lakas at Ganda kaya naman nag-trending sila.

Nailigtas nina Lakas at Ganda ang kapwa nila mga Bagani na sina Matteo Guidicelli (Lakam), Zaijian Jaranilla (Liksi), at Makisig Morales (Dumakulem) nang muntik na silang mapatay ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Laking gulat ni Sarimaw nang makita niya ang dalawang Bagani na matagal nawala sa paningin niya kaya naman gigil na gigil siya dahil kompleto na ang grupo at mahihirapan na siyang magapi sila.

Ang saya-saya rin ng mga taga-Sansinukob dahil kompleto na ang mga Bagani at nakasisiguro na sila sa kanilang kaligtasan pero ang hindi nila alam ay mas may matitinding hirap pa silang daranasin.

Sa kabilang banda, hindi pa rin ligtas pala si Kidlat (Rayver Cruz) dahil kapag galit siya ay nag-iiba ang anyo at lakas niya, hindi nga lang sigurado kung kakampi siya hanggang sa huli ng mga Bagani o tuluyan na siyang makukuha ni Sarimaw.

Anyway, binatikos naman ng isang follower ni Angel Locsin si Liza na isang lampa at walang napatutunayan sa Bagani.

Ayon sa follower ni Angel na si Jason Sagun, “Ikaw na lang po sana nag Darna ms @therealangellocsin kaya mo din pala mag-action ngayon sayang lang po ‘yung pinalit pa sa yo, lampa pa wala pang napatunayan kahit sa Bagani ang lamya kumilos.”

Hindi pinalampas ni Angel ang komentong ito dahil kaagad niyang sinagot, “not true. she can do action scenes really well 🙂 sana stop na to. Thanks.” 

Nag-post kasi si Angel ng video nag-eensayo siya para sa kakailanganin niyang mga eksena sa nalalapit niyang serye na The General’s Daughter mula sa Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …