PATAY ang dalawang Filipino at tatlong iba pa ang sugatan nang masangkot sa banggaan sa Jizan, Saudi Arabia.
Sinabi ni Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, papunta sa grocery ang mga Filipino nang masalpok ng van ang kanilang sinasakyan noong nakaraang Huwebes.
Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mga sugatan na nabalian ng mga buto sa binti.
Naipagbigay-alam na umano sa mga pamilya ng mga Filipino ang kanilang sinapit maging sa kanilang pinapasukang kompanya.
Habang nangako ang konsulado na tutulong sa imbestigasyon, paghahabol at pagsasampa ng kaso sa nakabanggaan nilang driver na isa umanong Saudi national.
“Kung may kasalanan ang driver ng GMC [na nakabanggaan ng mga Pinoy], of course, meron ‘yang kaso. Maaari nating habulin. Isang tulong natin sa mga namatayan at mga na-injured ang pagtulong sa kaso na isasampa sa driver,” ayon sa opisyal.