Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessie J, special guest sa concert ni KZ Tandingan?

ANO na update na kay Jessie J (nanalong Singer 2018) na gusto nitong mag-collaborate sila ng Pinay singer.

“Ay naku si bakla (birong sabi ni KZ). Siyempre ‘pag mga ganoon hindi dapat bino-brought up baka isipin niya, ‘user tong batang ‘to’. Siyempre friendship-friendship lang muna. ‘Pag sinabi niyang go, fly na ako nandoon na ako kaagad,” masayang sabi ng dalaga.

Alam ni Jessie J na may concert siya, ”oo, ang kapal nga ng mukha ko, nag-send ako ng poster ko sa kanya, hoping na baka i-promote ni bakla, ha, ha, ha. In-invite ko pero huwag na tayong umasa.”

Tinanong namin kung si Jessie J ang sinasabing surprise guest, ”naku ‘wag na nating pag-usapan ‘yan, huwag umasa may commitment yata.”

May nagbiro na puwedeng sina Jessie J at Coco Lee, ”Jessie and Coco puwede ‘pag wala silang taping ng ‘Ang Probinsyano,’ ha ha ha, Jessy Mendiola at Coco Martin pala,” birong sabi ni KZ.

Ang mga guest ni KZ sa Supreme concert ay sina Kyla Alvarez, Gloc 9, Daryl Ong, Jason Dy, Inigo Pascual,at Moira de la Torre.  Ang show ay mula sa direksiyon ni Mr Johnny Manahan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …