Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saludo tayo sa NBI ngayon

NAKAHULI na naman ang NBI ng mga nanloloko sa taong bayan.
Natimbog ng NBI anti-human trafficking ang mga illegal recruiter at naligtas ang mga biktimang kabataan.
Kitang-kita ang pagka-workaholic ng mapagpakumbabang NBI Director Atty. Dante Gierran.
Walang maririnig at makitang reklamo sa kanya.
Marami na siyang ipinatayong NBI satellite clearance office sa buong bansa.
Ang gusto niya ay masampahan ng kaso ang mga sangkot sa droga, krimininalidad at corruption.
Hindi siya abusado at ‘di niya kailanman ginagamit ang pagka-director niya sa NBI para manakot at magkapera.
Kakaiba siyang mamuno at gusto niya lahat ng mga tao niya ay disiplinado.
Kapag corrupt na NBI agent tiyak pakakasuhan at ipatatapon sa probinsiya.
Mabait siya pero ‘pag loko ka may kalalagyan ka.
Mabuhay ka kabsat Dante!
God bless you!
***
Isa pa sa mga hinahangaan ngayon ng NBI rank and file employees ay si Deputy for Intelligence Eric Distor.
Kahit wala pa siya sa kanyang puwesto ngayon ay lagi niyang  tinitingnan ang pangangailangan ng mga tauhan niya.
Lagi rin niyang imino-monitor ang kalinisan at security sa kapaligiran ng NBI main office.
At kapag nagkikita sila ni PRRD ay lagi pa siyang inaakbayan.
Mabait at workaholic kasi si Sir Distor.
‘Di siya pasikat at puro trabaho lang.
Kaya ang masasabi ko lang kay Director Gierran at Deputy Director Eric Distor, keep up the good work!
God bless mga amigo.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …