Tuesday , April 30 2024

Arjo, perfect endorser ng Beautederm Origin Series Perfume

ANG mahusay at awardwinning actor na si Arjo Atayde ang kauna-unahang image model ng BeautedermPerfume Line ang, The Origin Series Perfume (Apha, Radix and Dawn) na isang bonggang-bonggang  launching ang ibinigay ng CEO/President ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche Tan last April 27 sa Relish Restaurant.

Ayon  kay Ms Rei, ”Arjo is clean, fresh, and sosyal, and I think Arjo is the perfet guy  para maging endoser ng The Origin Series Perfume dahil target namin sa perfume nito ang AB Market,” ukol sa kung bakit ang actor napiling endorser.

“Bukod pa sa user din siya ng mga produkto namin, ako kasi mas gusto ko na ‘yung endorser ko ginagamit talaga ‘yung produkto, ‘yung may tiwala siya sa produkto na ini-endorse niya, hindi puwede na hinawakan lang ng artist, endorser na, dapat ginagamit din.

“And with Arjo alam ko na ginagamit niya ‘yung mga product namin, that’s why isa rin ‘yun sa reason why we get Arjo para maging first endorser ng aming The Origin Series Perfume.

“His the best guy,” mahabang esplika ni Ms Rei.

Very thankful nga si Arjo dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Ms Rei para maging kana-unahang endorser ng The Origin Series Perfume at sa mga magagandang nangyayari sa career niya.

Sa ngayon, 15 na ang branches ng Beautederm sa bansa at bago matapos ang taon ay another 10 branches pa ang bubuksan kasama na rito ang pagbi-venture nila sa international market na magsisimula sa Singapore at Hongkong.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *