KAABANG-ABANG sa Biyernes kung ano ang magandang balita ni Kris Aquino na ipo-post niya sa kanyang social media accounts dahil sa sinabi niyang, “GO confirmation.”
Ang alam namin ay tungkol sa pelikulang gagawin ni Kris sa Star Cinema na kasama ang sikat na loveteam at baka may schedule na kung kailan ang shooting.
Bago kasi umalis si Kris ay may mga binago sa script sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema at pagbalik niya ay magmi-meeting na sila ng mga bossing ng nasabing movie outfit na kasama ang non-digital manager niyang si Erickson Raymundo.
Nakatutuwa dahil pawang positibo ang komento ng followers ni Kris at umaasang muli siyang mapapanood sa telebisyon pagkalipas ng dalawang taon.
As of this writing ay wala kaming update kung may offer sa kanyang TV show dahil pelikula lang ang nabanggit sa amin.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan