Saturday , April 12 2025
Janine Gutierrez Lotlot de Leon Maxine Gutierrez Chihuahua dog died

Pamilya ni Lotlot, sobrang nalungkot sa pagkamatay ng alagang Chihuahua

PARANG pinagsakluban ng langit at lupa si Lotlot de Leon nang namatay ang isa sa mga alagang aso nito noong Huwebes ng hapon.

Kasalukuyang nasa Batangas ang aktres nang tawagan ito ng kasambahay niya para sabihing namatay ang Chihuahua nitong si Scotch matapos biglang sumuka ng dugo.

Walang sakit ang Chihuahua ni Lotlot kaya ganoon na lamang ang pagkagulat at pagka­lungkot ng aktres.

La­bi­ng-apat na taon ng alaga ni Lotlot at ng kanyang mga anak si Scotch; miyembro ng pamilya ang turing nila rito kaya naman matinding kalungkutan ang nadama ng mga ito.

Halos hindi makapagsalita sa matinding sama ng loob ang bunsong anak ni Lotlot na si Maxine Gutierrez na kasama ni Lotlot sa Batangas nang maganap ang nakalulungkot na pangyayari.

Kahit si Janine Gutierrez, na nasa Bali, Indonesia para sa isang event, ay umiyak din ng todo nang nalaman ang nangyari sa kanilang pinakamamahal na alaga.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Kris Bernal

Dibdib ni Kris Bernal pinagtripan ng Orangutan

MATABILni John Fontanilla NAGULAT si Kris Bernal nang biglang halikan at hawakan ang kanyang dibdib ng isang …

Chad Kinis MC Calaquian Lassy Beks Battalion

Chad  ipinagtanggol si MC matapos sabihang tamad, walang pangarap

MATABILni John Fontanilla TO the rescue ang comedian at vlogger na si Chad Kinis para ipagtanggol ang …

Andrew E Mylene Jassley Fatima

Debut ng unica hija ni Andrew E handang-handa na

HARD TALKni Pilar Mateo 18. DEBUT.  Transformation. Changes. Choices. Daddy’s Girl. The only girl sa tatlong …

Dennis Padilla Julia Claudia Leo Barretto Catalina Baldivia

Dennis natupad pangarap na makasama ang mga anak   

MA at PAni Rommel Placente ISANG masayang larawan kasama ang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, …

BBQ Chicken Chavit Singson Kim Singson Tanya Llana

BBQ Chicken makikipag-collab sa local chefs, tie-ups sa K-pop at Pinoy artists 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “We want to bring in more of the Korean culture in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *