Monday , December 23 2024
boracay close
boracay close

Bora isinara (Sa loob ng 6 buwan)

ANIM na buwan sarado ang Boracay Island simula ngayong 26 Abril.

Ito ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte batay sa rekomendadyon ng  inter-agency task force na kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT).

Ang ulat ay batay sa inisyal na impormasyon ni Presidential Spokesman, Secretary Harry Roque kagabi habang nagaganap ang ika-24 Cabinet meeting sa Palasyo.

Matatandaan, nagbanta ang Pangulo na sasampahan ng kasong Sedisyon ang mga lokal na opisyal ng Boracay at resort owners kapag hindi sumunod sa closure order ng national government.

“Kasi kung ayaw nilang mag-cooperate and they begin to protest, e kayo naman may kasalanan diyan you are responsible for the damage all these years, pati ‘yung local officials who are all nonchalant of the problem there, arestohin ko kayong lahat,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa 2nd Kanlahi Festival sa Tarlac City kamakailan.

“And if you put up a fight I will charge you for sedition, preventing government to do what is good for the Filipino people,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *