Sunday , December 22 2024

Resort-casino kailangan ba?

MAINIT pa rin ang talakayan hanggang ngayon kung dapat ba talagang magtayo ang China ng isang resort-casino sa Boracay.

Maging ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Roy Cimatu ay umamin na ang pagsisikap u­pang mapaluwag ang Boracay ay hindi tumutugma sa plano ng Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau na magtayo ng casino na may sukat na 23-ektarya, posibleng magkaroon ng 250 silid at nagkakahalaga ng $500 milyon sa naturang isla.

Sa kabila ng katotohanang nabigyan na ng provincial license ang Galaxy para magpatakbo ng casino ay kailangan din umano nilang makatupad sa hinihinging requirements ng DENR bago nila maituloy ang proyekto.

Inatasan na raw ni Cimatu ang DENR ecosystems research and development bureau u­pang alamin ang maximum na bilang ng tao na puwedeng kumasya sa isla. Ang unang pagsasaliksik ay ginawa may 10 taon na raw ang nakali­lipas at sa panahong iyon ay natuklasan na ma­lapit na raw umabot sa limitasyon ang kapasidad ng Boracay. Pagkalipas ng 10 taon ay hindi naman imposibleng isipin na naabot na ng Boracay ang limitasyon nito.

Sa bagong pag-aaral na ito na inutos ni Cimatu nakasalalay kung ang Galaxy ay mabibig-yan ng environmental compliance certificate (ECC). Ang ECC ay kinakailangan bago payagan ang pagtatayo ng bagong estruktura sa isla.

Iba-iba ang tinatantiyang bilang ng mga turista na bumibisita sa Boracay. Ayon sa grupong Tourism Congress of the Philippines ay 18,800 turista ang regular na bumibisita sa isla at nagta-tagal dito nang tatlong araw. Nagpahayag naman si tourism development specialist Mark Evidente na ang mga turista sa Boracay ay 14,182 araw-araw. Ang maliwanag nga lang ay nagtataas ito sa pagdaan ng mga taon.

Nagpahayag si President Duterte sa hanga­ring ipasara ang Boracay dahil naging palikuran umano ito. Ayon sa DENR ay may 17.5 milyong litro ng wastewater ang pinakakawalan ng isla ng Boracay araw-araw. Kalahati raw nito ang nabibigyan ng kaukulang treatment samantalang ang natitirang kalahati ay hindi. Ang 30 hanggang 40 porsiyento nang hindi na-treat na wastewater ay mula sa mga pribadong bahay at ang iba ay sa mga establisiyementong pangnegosyo.

May nagtataka kung bakit napunta ang atensiyon ng Malacañang sa Boracay. Pero ang kuwestiyon ng Firing Line ay kung bakit puma­yag ang Malacañang na makapasok ang proyekto ng pagtatayo ng casino sa Boracay habang nasa kasagsagan ng mga plano para ma-rehabi-litate ang isla kasama ang pasususpende sa mga bagong proyekto ng konstruksiyon?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *