GRADUATE ng Culinary Arts si Maine Mendoza sa De La Salle College of St. Benilde kung kaya naman magaling magluto. Hindi nga ba naisipan niyang magkaroon ng resto para sa kanyang abilidad sa pagluluto sa kanyang bayan sa Sta. Maria, Bulacan.
Sa pagluluto ibinubuhos ni Maine ang atensiyon kaysa bigyan pansin ang mga basher na walang intensiyon kundi guluhin ang kanyang katahimikan.
Sabagay, sa isang istorya hindi puwedeng walang kontrabida kapag may bida.
Well, si Maine ang bida at ang mga basher ang kontrabida. Hindi na lang pinapansin ni Maine ang mga ito dahil sayang lang ang oras at panahon ng dalaga.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales