Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘ENDO’ hindi pa mawawaksan ni Tatay Digong (Sa pangakong nakabitin)

NAGPAPAKA-HONEST lang naman siguro si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang aminin niyang hindi niya kayang tuparin ang kanyang pa­ngakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa.

Sinabi ito ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, na hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa.

Ang isang posibilidad umano ay kompromiso na magiging katanggap-tanggap sa sektor ng manggagawa at mga kapitalista.

Hindi nga naman puwedeng pilitin ang mga kapitalista na ibigay ang lahat sa mga obrero.

“I don’t think that I can really give them all kasi hindi naman natin mapilit ‘yung mga kapitalista na… kung walang pera o ayaw nila o tamad. Don’t make it hard for them to run the business the way they like it because that’s their money. So something of a compromise must be… maybe acceptable to everybody,” aniya.

Marami pa nga namang paraan kung paano pagkikitain sa gitna ang interes ng mga kapita­lista at ng mga manggagawa lalo na ‘yung nasa service sector na nakapailalim sa kontraktuwa­lisasyon.

Ang ipinasa namang batas sa Kongreso na may  199 “yes” votes, ang House Bill 6908 ay u­pang palakasin ang security of tenure at wakasan ang lima hanggang anim na na buwang kontrata pero hindi nangangahulugan na winakasan nila ang kontraktuwalisasyon.

Imbes limang buwan, ginawa nilang tatlong taon.

Ibig sabihin lang na mas protektado ng nasa­bing batas ang mga middle agency o ‘yung mga manpower agency na siyang pangunahing ahensiya ng kontraktuwalisasyon.

Kunsabagay, hindi ganoon kadali na biglang wawakasan ang sistemang endo dahil alam natin na marami tayong mga kababayan na walang trabaho.

Taon-taon ay maraming gumagradweyt sa kolehiyo pero alam din natin na hindi sila agad nakapapasok sa trabaho.

‘Yan siguro ang isang konsiderasyon na iniisip ng Pangulo kaya mas mabuti nga namang, magkompromiso na lang muna.

Pero rin naman dapat na ikompromiso ang kinabukasan ng mga manggagawa. Dapat ang isang komprehensibong programa sa paggawa na magbibigay ng trabaho sa malaking puwersa ng lakas-paggawa sa buong bansa.

Panahon na para pag-isipan ng Pangulo na pag-aralan ang pagpapalakas ng iba’t ibang industriya sa bansa.

Sana ang programang Build, Build, Build ng Duterte administration ay patungo rin sa isang malawak at pangmatagalang pagpapatatag ng iba’t ibang industriya sa bansa na magbibigay ng trabaho sa maraming Filipino.

TYCOON KTV BAR
SA MACAPAGAL BLVD.,
NAMAMAYAGPAG
PA RIN

TULOY pa rin ang ligaya ng mga ‘tongpats’ sa Tycoon KTV bar diyan sa Macapagal Boulevard.

Walang tigil ang rampa ng Chinese prostitutes na nagpapanggap na mga customer ng KTV bar pero nakikipag-deal pala sa kanilang mga parokyano.

Nagtataka naman ang inyong lingkod kung bakit sa Angeles City ay timbog lahat ang mga bebot na Eastern European na panay ang rampa bilang prostitutes.

Pero bakit sa Tycoon KTV bar ay tuloy ang ligaya ng mga Chinese prostitutes?

Mahirap umanong ipatigil ang aktibidad ng mga nasabing Chinese prostitutes dahil mga bigtime na gov’t officials at high-roller junkeeters sa mga Casino ang kanilang guests.

Wattafak?!

Siyempre kasama pa riyan ang mga maiimpluwensiyang ‘bugaloo.’

Kaya siguro ‘walang paki’ ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (B I) kahit nakababad ang kanilang mga ahente sa nasabing KTV bar.

Mukhang malayo ang nararating ng paki­nabang sa Tycoon KTV bar… kaya siguro hindi magalaw-galaw ng mga awatoridad…

Ganoon ba ‘yun NBI Director Dante Gierran and Immigration Commissioner Bong Merente?!

Pakibalitaan naman kami!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *