Thursday , June 4 2026
Sipat Mat Vicencio

Sopla si Alvarez kay Sara

NASAAN na ngayon ang angas nitong si House Speaker Pantaleon Alvarez? Parang basang sisiw si Alvarez, at hindi niya inakala na ang kanyang mga pahayag ay sosoplahin ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Galit na galit si Sara, at tinawag niyang asshole si Alvarez. Nagsimula ang galit nitong si Sara matapos malaman niyang tinawag siya ni Alvarez na kabilang sa oposisyon nang magbuo siya ng regional political party na Hugpong ng Pagbabago.

Ang sabi ni Sara:  “Kung asshole ka sa Congress, ‘wag mong dalhin ‘yan dito sa Davao, iwan mo ‘yan sa Manila.” Dagdag ni Sara: “Somebody should tell the president what you are doing.  How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl.”

Tindi!

‘Yan kasi ang napapala nitong si Alvarez. Ang akala yata niya ay forever na siyang maton at walang maglalakas ng loob na babangga sa kanyang pinaggagawa. Kung kaya kasi niyang paikutin ang mga miyembro ng Kamara, mukhang isang babae lang mula sa Davao ang magpa­pataob kay Alvarez.

Ang masakit nito, hindi lang pala si Sara ang kinursunada nitong si Alvarez kundi pati mismo si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.  Sa harap ng mga tao, sinabi umano ni Alvarez na kaya niyang ipa-impeach si Digong.

Mukhang nalasing na talaga sa kapangyarihan si Alvarez at pati si Digong ay binabangga na rin niya ngayon.  Hindi na iniisip nitong si Alvarez na sa isang kumpas lang ni Digong ay sibak na siya sa kanyang puwesto sa Kamara.

Dapat na talagang sibakin ni Digong si Alvarez. Marami na siyang atraso at hindi na dapat pagtagalin pa bilang Speaker sa Kamara. Kung tutuusin  walang dapat na panghinaya-ngan si Digong kay Alvarez dahil puro kapalpakan lang ang ibinibigay nito sa kanyang administrasyon.

Hindi pa ba sapat ang survey ng Pulse Asia at Social Weather Station na nagpapakita ng pagbagsak ng performance rating ni Alvarez si­mula nang pamunuan niya ang Kamara?

At ang kabastusan nitong si Alvarez nang aminin niyang meron siyang ‘kabit’ habang legal pa siyang kasal sa kanyang misis na si Emelita. Nakahihiya na talaga itong si Alvarez dahil kung matatandaan, idineklara na rin siyang persona non grata ng Mindanao PDP-Laban at tinawag na fake secretary general.

At sino ang makalilimot sa ginawa ni Alvarez kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang sibakin sa kanyang puwesto bilang Deputy Speaker for Central Luzon? At si Rep. Floriendo, hindi ba’t sinibak niya rin ito bilang kasapi ng PDP-Laban?

Pinakuhuli ang ginawang panggigipit kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos nang imbestigahan niya ito sa usapin ng tobacco excise tax.  Hindi ba alam ni Alvarez na ang mga taong binabangga niya ay pawang malalapit kay Digong?

Sobra na ang kawalanghiyaan nitong si Alvarez.  Kailangang kumilos ang mga tao ni Digong sa Kamara para tuluyang kalusin sa kanyang puwesto ang abusado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …