Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shootout 1 sugatan, 3 arestado

MALUBHANG nasugatan ang isang lalaki nang makipagbarilan sa nag-respondeng mga pulis habang arestado ang tatlo niyang kasama sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief, S/Supt. Brent Milan Madjaco ang arestadong mga suspek na sina MC De Jesus, 32, nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard South; Crispin Santiago, 47, residente sa  Dagat-Dagatan, Brgy. NBBS, kapwa ng Navotas City, at Antonio Tonido Jr., 60, taga-Kawal St.,  Dagat-Dagatan Avenue, Caloocan City.

Habang sugatan ang suspek na si Anthony Lazaro, 20, residente sa Brgy. NBBS, natunton ng mga pulis sa Tondo Medical Center habang nila-lapatan ng lunas dahil sa tama ng bala sa kata­wan.

Ayon sa ulat nina PO3 Allan Bangayan at PO1 Filbert Madio, dakong 11:30 pm, iniulat ng isang concerned citizen sa Navotas Police Community Precinct 4 ang hinggil sa ilang lalaking nagpapaputok ng baril sa Area 1, Phase 2, Brgy. NBBS.

Agad nagresponde sa lugar ang mga pulis, sa pangunguna ni S/Insp. Cerillo, at naabutan sina Santiago at Tonido habang umiinom sa tabi ng kalsada kaya inaresto dahil sa paglabag sa city ordinance.

Nakompiska mula kay Santiago ang isang .38 kalibreng baril.

Makalipas ang ilang sandali, dumating sina De Jesus at Lazaro habang lulan ng motorsiklo ngunit imbes huminto ay nagtangkang tumakas.

Bumunot ng baril ang angkas na si Lazaro at pinaputukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para tamaan ng bala si Lazaro ngunit nakatakas habang arestado si De Jesus.

Sa follow-up operation, nadakip ng mga pulis si Lazaro sa Tondo Medical Center habang nilalapatan ng lunas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …