Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Good Son, pinaka-tinututukang Teleserye

CONSISTENT ang “The Good Son” sa mataas nilang ratings gabi-gabi na naglalaro sa 22% percent pataas kasi naman kaabang-abang ang bawat tagpo dito at lahat ng viewers ay kani-kani-yang hulaan kung sino talaga ang lumason kay Victor Buenavidez (Albert Martinez) na naging sanhi ng kamatayan ng negosyante. Hayun at umaamin na nga si Dado (Jeric Raval) na siya ang gumawa ng krimen pero ayaw siyang paniwalaan ng korte dahil isa sa miyembro ng pa-milya ni Victor ang duda nilang sangkot dito.

Sa mga kilos at pananalita ni Calvin (Nash Aguas) na anak nina Olivia (Eula Valdez) at Dado, siya ang hula ng manonood na lumason sa kanyang stepfather. Ang iba ay si Olivia ang itinuturo dahil hindi niya matanggap na ipinagpalit siya ni Victor sa ina ni Joseph (Joshua Garcia) na si Raquel (Mylene Dizon). At para huwag ninyong ma-miss ang bawat episode ng nasabing family drama TV series watch ninyo ito weeknights after La Luna Sangre on ABS-CBN2.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …