Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Orlando Sol, hahataw ang showbiz career ngayong 2018!

MARAMING nakalinyang projects ngayon si Orlando Sol. Una na ang pagiging bahagi niya ng GMA-7 TV series na The One That Got Away. Tapos ay may stage play din siya, plus, ang next single niya ay pinaplantsa na rin.

Ang launching movie niya ay malapit na rin simulan kaya sobrang thankful siya sa mga nangyayari sa kanyang career. “Opo, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa mga dumarating sa aking projects. Thankful ako kay Direk Maryo J. delos Reyes dahil matagal ko na rin itong hinihintay,” saad ni Orlando.

Nagkuwento rin siya ng iba pa niyang projects. “Kasama po ako sa teleserye sa GMA-7, iyong The One That Got Away. Mon ang name po ng character ko rito, isang cameraman na babaero, mahilig sa chicks, hahahaha!” Nakatawang saad niya.

Dagdag ng actor na miyembro rin ng Masculado, “Tampok sa TV series sina Lovi Poe, Dennis Trillo, Rhian Ramos, Max Collins at iba pa, mula sa pamamahala nina Direk Mark Sicat Dela Cruz at Rado Peru.

“Ang role ko rito, co-worker ni Lovi Poe. TV-media kasi iyong company namin, ako iyong parang cameraman niya at nagpupunta kami sa iba’t ibang events, sa field kami kasi naka-assign.

“May stage play din po kami ni Miggs Cuaderno na ang title ay Uyayi ng Ulan. Bale, ito ay iikot sa iba’t ibang schools sa buong bansa. On tour po ‘yun sa iba’t ibang schools at provinces po, magsisimula ito this year po.

“Plus sa Star Music naman po, magmi-meeting pa po kami para sa next single ko. Bale, magre-revive raw ako ng song, pero hindi pa alam kung anong song.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …