Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB super-lakas na

KAILANGAN  ng 48 minutong buo ang konsentrasyon  at hindi  mauubusan ng tiyaga at bala kapag kalaban ang San Miguel Beer.

Kapag nalingat ka kasi, malamang na matuklaw ka sa bandang dulo at madadapa ka.

Iyan ang nangyari sa TNT Katropa sa engkwentro nila ng Beermen noong  Sabado sa University of San Agustin gym Sa Iloilo.

Sa mahigit na tatlong quarters ay nakontrol ng Tropang Texters ang laro at animo’y didiretso sila sa tagumpay. E malas pa naman ang Beermen sa out-of-town games dahil sa anim na sunod na beses na silang nasisilat sa mga provincial outings. Para bang sa Maynila lang sila magaling kahit na sila ang kampeon!

Sampung puntos agad ang inilamang ng TNT Katropa sa San Miguel Beer, 24-14 makalipas ang first quarter. Pero naibaba naman ito ng Beermen sa 56-55 sa halftime.

Muli ay nakausad ang TNT Katropa, 61-58 sa pagtatapos ng third quarter.

Pero mula roon ay naging dikdikan na ang duwelo. Angat lang ang Beermen ng dalawang puntos, 76-74 sa huling limang minuto nang magtulong sina Arwind Santos at Alex Cabagnot sa isang 14-2 wind-up upang mairehistro ng San Miguel ang ikatlong sunod na tagumpay at patuloy na mamayagpag sa Philippine Cup kung saan asam nila ang ikaapat na sunod na kampeonato.

Si Santos,  isang dating Most Valuable Player, ay gumawa ng pito sa kanyang 15 puntos sa huling tatlong minuto. Kabilang dito ang isang jumper na tumapos  sa rally ng TNT.  Isang three-point shot at isang slam dunk na tuluyang humiya sa kalaban.

Si Cabagnot ay nagdagdag ng 11 puntos at 12 rebounds. Si June Mar Fajardo pa rin ang naging leading scorer ng Beermen nang magtapos siya  ng may 20 puntos bukod sa walong rebounds. Si Marcio Lassiter ay nag-ambag ng 15 puntos.

Sa totoo ang, nakakatakot na talaga ang San  Miguel Beer dahil ang galing na nito samantalang hindi pa naglalaro ang top pick na si Christian Standhardinger na sa Commissioner’s Cup pa magiging  available.

Kung nakakalaro na si Standhardinger, puwede na sanang ibigay sa San Miguel ang korona, e.

Pero dahil hindi pa, may tsansa pa ang ibang teams na manilat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …