Thursday , June 4 2026

Anibersaryo ng NBI matagumpay!

“EXCELLENCE in service, now and beyond,” ‘yan ang naging tema ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang 81st Anniversary sa pamumuno ng kagalang-galang at respetadong Director na si Atty. Dante Gierran.

Simula nang pamunuan niya ang NBI ay napakarami nang nabago. Itinapon ang mga pa­saway at corrupt na agent sa probinsiya.

Sa termino lang niya nagkaroon ng day-care center upang mapangalagaan ang mga anak ng mga rank and file employee ng NBI.

Sa kanyang mensahe sa anniversary, pinasalamatan niya ang mga opisyal at mga emple­yado sa patuloy na pagsuporta sa kanya.

Pinarangalan ang mga agent na nagbuwis ng buhay sa bayan at may dedication sa kanilang trabaho.

Ibinida rin niya ang accomplishments nila lalo ang P6 bilyong ilegal na droga na hinuli nila sa isang sindikatong “Red Dragon” sa San Juan. Ito ang pinakamalaking huli ng droga sa history ng NBI.

Pinapurihan ni House Speaker Alvarez at DOJ Sec. Atty. Vitaliano Aguirre ang pamumuno ni Atty. Gierran at ang buong NBI.

Muling binalaan ni SOJ Aguirre ang ilang tiwaling NBI agent na wala silang puwang sa NBI at kailangan umalis sa tungkulin kung makasisira lang sila sa NBI at DOJ.

***

Napakaganda ng camaraderie ng bawat isa sa NBI partikular ang Assistant Director at lahat ng Deputy Directors at kumanta pa sila kaya lumabas ang mga naggagandahang bo­ses nila.

May Zumba, firing competition, basketball, cheering competition ng bawat division.

Matagumpay rin ang kinalabasan ng painting at photography exhibit sa pamumuno ng masipag na si NBI agent Ligaya Banawa at na­pahanga niya si Senator Manny Pacquiao.

Nagkaroon ng wreath laying sa NBI wall of honor.

***

Binati ni Pangulong Rody Duterte ang NBI na ang sabi “A job well done sa NBI.”

Pinasalamatan ni Director Gierran si Senator Pacquiao nang sabihin niya na magdo-donate at magpapagawa siya ng gusali ng NBI sa Gensan.

***

Isa din po sa Judges sa painting exhibit ang publisher ng Hataw D’yaryo ng Bayan at Alab ng Mamamahyag (ALAM) Chairman na  every year ay tumutulong sa NBI anniversary na si Boss Jerry Yap. Siya ay pinuri at pinasalamatan ng NBI!

***

Mabuhay kayong lahat sa NBI! God bless!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …