Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra vs Star sa Pasko

MAGDARAOS ngayong tanghali  ng press conference ang Star Hotshots sa Ynares Arena sa Pasig  at ipaki­kilala ang mga miyembro ng koponang  lalaban sa 43rd season ng Philippine Basketball Association.

Siyempre, maraming excited sa prospects ng Hotshots na siyang second  most popular team sa liga sa likod ng Barangay Ginebra.  Hindi naman lalaro ang Star sa opening day na nakatakda sa Disyembre 17.

Bale sa Disyembre 25 pa sila lalaro sa tinaguriang Manila Clasico kung saan kaharap nila ang Gin Kings. Tiyak na dadagsain ang Christmas Day offering na ito.

Ang siste  ay parang hindi naman nagsagawa ng malawakang pagbabago sa kanyang line-up si coach Chito Victolero at tanging ang Fil-Am na si Rob Herndon ang naidagdag.

E hindi naman malaki si Herndon at guwardiya lang ito. Parang kalabisan na nga siya sa koponan dahil sa napakarami na nilang guwardiya.

‘Nandyan sina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon, Justin Melton at Peter June Simon na sinasabing nasa huling taon na niya sa PBA.

Kumbaga, si Herndon ay inaasahang papalit kay Simon sa susunod na season.

Pero dahll nga sa pareho pa rin ang mga big men ng Star paano sila lalaban sa mga higante ng ibang koponan gaya nina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Greg Slaughter ng Barangay Gunebra, Moala Tautuaa ng TNT Katropa at iba pa?

Kailangang ipagpatuloy ng Hotshots ang kanilang sipag.

Kung sabagay, kahit ganito lang ang line-up nila ay nakarating sila sa semifinals ng tatlong conferences noong isang taon.

Kaya hundi naman naaalarma si Victolero dahil alam niyang kaya nilang umulit.

Ang problema ay baka hanggang semis lang ulit sila.

Ang talagang target nila ay makarating sa Finals, hindi ba?

At magkampeon!

SPORTS SHOCKED
ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …